Marami sa atin eh tinatago ang tunay na emosyon. Yung masaya sila sa panlabas pero napaka lungkot sa loob. Hindi halata kasi sa kilos nila at pinapakita. Yung ayaw ba nilang madamay pa ang ibang tao sa bigat na dinadala nila. Masaya at malungkot lang naman ang pwedeng makita na emosyon sa ating mata. Sa mata nakikita kung tayo’y nagsisinungaling, masaya, seryoso, naiinis, malungkot, galit at kung ano-ano pa.
Hindi matatago ng mata mo ang talagang nararamdaman o emosyon mo. Makikita mo sa mata ng isang tao kung malungkot o masaya sya. Iba kapag sa mata mo tiningnan ang tao kaysa sa mga ginagawa nya. Minsan kapag malungkot ang isang tao at tiningnan mo sa mata parang lumuluha. Para matakpan naman nya ito sasamahan nya ng ngiti para hindi sya mahala. Maparaan ang tao para hindi siya mabuko na malungkot. Pero walang magagawa ang pagtatago kung hindi mo rin ilalabas ang mga problema at lungkot na hinaharap mo.
Mahirap tumingin sa mata ng isang tao kapag meron kang problema. Yung tipong hindi mo siya magawang tingnan para hindi nya makita na marami kang problema. Yung feeling mo kaya mong gawin ng mag-isa. Mahirap kumilos ng mag-isa, kailangan mo ng kasama. Pwera na lang kung malakas ang loob mo, kaya mong mag-isa. Madaling itago ang emosyon pero halata sa mga mata kung ano ba talaga ang tunay na lagay natin.

Alam nyo ba ‘to?
Alam ko nagsimula ang katangahang paggamit ng G words noong 2000-2002. Ewan ko na. Eto yung nilalagyang G ang bawat words. Ginagamit nila yan kapag meron silang mga sinasabe na hindi dapat malaman ng iba kahit na marining ng iba. Yung mga nagkakaintindihan lang ng G words ay ang mga Gword masters WTF.HAHAHA
Hindi ako marunong ng tang-inang yan. Siguro kayo alam nyo ‘to. hahaha. Medyo maiintindihan mo yung iba pero kapag mabilis na sila mag salita ang sarap na nilang pagsasampalin ng paa. Yung tipong mapapa walkout ka na lang. Minsan hindi mo alam na ikaw na pala ang pinag-uusapan nila.
Daig pa nila yung mga jejemon. Parang ibang language na yung sinasabe eh. Hindi mo na nga maintindihan hindi mo pa alam ang spelling ng mga sinasabe nila. Wala kasi akong alam na salitang nila eh. Basta lahat ng words nila meron G o parang ga ge gi go gu. Parang ganun ata. HAHAHA

Ewan ko ba. Yung bigla na lang kukulot yung noo ko. Tapos bigla ko na lang mapapansin na seryoso na ako. Yung bigla na lang ako mapapa-isip ng kung ano anong bagay na seryoso. Siguro sa mga nakapaligid sa akin kaya ako nagiging seryoso. Kapag siguro meron akong nakita, narinig, at naramdamang kakaiba doon ako nagiging seryoso. Biglang lumalabas yung hindi ako. Hindi ako na kilala ko.
Minsan hindi natin maintindihan ang sarili natin sa mga bagay bagay kung bakit nangyayari yun. May dahilan pero hindi natin alam kung ano yung tang-inang yun. Siguro mahirap ipaliwanag kaya hindi natin maintindihan. Minsan nadadamay yung mga taong nakapaligid sayo. Concern sila sayo pero ikaw parang binabalewala mo lang sila kasi nag-iiba yung nararamdaman mo. Nagiging seryoso ka bigla dahil kung ano ano ang naiisip mo. Mapapansin mo na lang na nagbabago ang lahat.
Kung talagang nagmamahalan kayo, ramdam nyo sa mga puso nyo na mahal nyo ang isa’t isa. Hindi pwedeng ikaw lang ang nakakaramdam. Ano yun? Ikaw lang ang nagmamahal at siya hindi ganun sayo? Dapat ang puso mo at puso nya ay parehong nagkakasundo. Walang patutunguhan kung sayo o sa kanya lang ang nakakaramdam. Gets nyo ba. Parang ganto lang ang mangyayari sa huli. Isang mahabang pagsasama pero parang wala lang ang lahat. Nasabi lang na mag syota kayo. Doon papasok ang salitang tangaaaaaaaa ka. ^^ Tsaka mararamdaman mo naman kung mahal ka talaga nya. Kapag pinapakita at pinaparamdam nya na mahalaga siya sayo.
Dapat ang ♥ mo at ♥ nya ay pangalan nyo lang ang sinasabe hindi yung kung sino-sino o hindi pipi ang puso mo/nya sa pagsabi ng pangalan mo.
Oo. Yung una isang linggo lang hindi ko naman minahal. Yung pangalawa 1month lang minahal ko. HAHAHA.